:: GOOGLE SEARCH ::

Thursday, February 10, 2011

Jingle! :)


Tandang-tanda ko pa nung Grade II ako. Recess namin. Nakita ko yung babaeng estudyante na sinasapian sa room. Pine-pray over pa siya ng isang Pari tapos hawak-hawak siya ng mga lalake na classmates ata nung babae.

Ang kwento daw nun nag-CR yung estudyante tapos may naamoy daw siyang kakaiba sa CR tapos pagbalik daw niya ng room nila e, biglang nag-eskandalo- Nanggulo. Hanggang nalaman ng iba na sinapian pala yung estudyante.

Simula ng matunghayan ko ang ganung eksena. Grabeh! Natakot na ako sa CR. Kaya one time,
Nag-jingle ako sa kanal sa loob ng school namin sa tabi ng puno ng atis. HAHA! Tapos may nakakita sa akin na ibang estudyante...yung iba dedma lang pero may dalawang babae na nagsabe sa akin na " Bawal jan. Doon oh may CR" sabay turo sa CR.

Pero dedma pa rin ako. Hanggang kinilig ako (read: tapos na umihi). HAHA! 

Tuwing naaalala ko yung Jingle Experience ko. Nahihiya ako. haha!

P.S. 
Until now. Takot pa rin ako umihi sa pampublikong CR. Feeling ko may multo pa rin. :)

No comments: